Pagbasa ng sakdal sa mag-amang Parojinog ng Ozamiz City, nakansela

Nakansela ang pagbasa ng sakdal sa mag-amang Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. at  Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Eschavez.

Dahil ito sa nakabinbing mosyon para ibasura ang kanilang kasong katiwalian.

Itinakda muli ang arraignment ng mag-amang Parojinog sa Abril 11.

Nag-ugat ang kaso ng mag-ama dahil sa umano’y maanomalyang kontrata para sa isang multi-purpose building.

Ang batang Parojinog ay karelasyon ni National Bilibid Prison (NBP) high-profile inmate Herbert Colangco.

Samantala, ang matandang Parojinog naman ay kabilang sa mga opisyal ng gobyerno na pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang narco-list.

Speak Your Mind

*