Pagbibigay ng resibo, muling iginiit ng BIR sa mga business establishment

Muling iginiit ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Region 1 sa mga establisyemento ang pagbibigay ng resibo sa kanilang mga costumer.

Sinabi ni Lee Caday, Client Support Head at Spokesperson ng BIR Region 1, na mandatory requirement sa lahat ng business establishment ang pag-i-issue ng Official Receipt o OR.

Dagdag pa ni Caday na dapat ang lahat ng mga establisyemento ay may naka-paskil na “Ask Receipt” at hindi rin dapat tanungin ang mga costumer kung kailangan nila ng resibo.

Sakali aniyang nakarating sa tanggapan ng BIR ang isang establisyemento ay hindi nag-i-isyu ng resibo ay maaari itong isailalim sa imbistigasyon at posibleng makasuhan.

 

Aminado naman si Caday na kulang ang kanilang hanay upang mamonitor ang lahat ng mga establisyemento na hindi nagbibigay ng resibo kayat patuloy nilang hinihikayat ang pakikipagtulungan ng publiko hinggil sa naturang usapin.

Speak Your Mind

*