Pagbili ng palay, sinimulan na sa ilalim ng IPP Program ng NFA-Western Pangasinan

Tiniyak ng National Food Authority o NFA Westhern Pangasinan sapat ang suplay ng bigas sa lalawigan kahit pa pumasok na ang summer season.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Marissa Jacinto, Industry Service Officer ng NFA-Western Pangasinan na sinisimulan na ng NFA ang pamimili ng palay ng mga magsasaka mula sa summer crop.

Ipinapatupad narin ng NFA ang Institutionalized Procurement Program (IPP) kung saan binibili ang aning palay ng magsasaka sa halagang P17 per kilogram.

Sa pamamagitan aniya ng IPP Program, nabibigyan ng insintibo ang mga magsasaka, gaya ng 30 sintabo per kilogram sa ipp fee, 20 sintabo sa drying incentives fee at 20 sintabo sa delivery fee.

 

Sa ngayon, patuloy umano ang ginagawang revalidate ng mga farmers passbook sa ipalaim ng Institutionalized Procurement Program para sa summer crop harvest.

Speak Your Mind

*