Paggunita ng National Womens Month, gaganapin sa pamamagitan ng Buntis Congress

Mahalagang mabigyan ng sapat na proteksyon, pag-aalaga, at pagmamahal ang mga kababaihan.

Isa lang ito sa mahahalagang bagay na dapat ibigay sa mga kababaihan lalo na ngayon ginugunita ang National Womens Month, ayon kay Aurora Doria, Nurse Iv ng Provincial Health Office (PHO).

Sa panayam ng Sonshine Radio, sinabi ni Doria na kinikilalala ng PHO ang womens’ empowerment, ang mahalagang papel ng kababaihan sa kanyang pamilya.

 

Ngayon taon, sinesilebra ng PHO ang National Womens Month sa pamamagitan ng Buntis Congress na gagawin sa darating na Marso a-30 sa bayan ng Asingan at National Womens Month Celebration na gaganapin sa Pangasinan Training Center sa bayan ng Lingayen sa Marso a-21.

Speak Your Mind

*