Pagpapakulong kay Noynoy Aquino, impeachment ni Ombudsman Morales pinaplano na ng VACC

Target ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) na maipakulong si dating Pangulong Noynoy Aquino at mapa-impeach si Ombudsman Conchita-Carpio Morales ngayong taon.

Ayon kay VACC General Counsel Attorney Ferdinand Topacio, ang marching order ng VACC legal panel ay maipakulong si Aquino at ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam.

Sisikapin din umano nila na ma-impeach si Morales dahil sa selective prosecution.

Noong nakaraang linggo, inabsuwelto ni Morales si Aquino at Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Mario Relampagos sa kaso kaugnay ng 72 billion Disbursement Acceleration Program (DAP) noong mga taong 2011, 2012 at 2013.

Tanging si dating Budget Secretary Florencio Abad lamang ang kinasuhan dahil sa DAP.

Speak Your Mind

*