Pagpapatupad ng e-Card para sa mga miyembro ng GSIS, mas pinapalakas

Pinapalakas ngayon ang pagpapatupad ng e-Card Plus ng Government Service Insurance System para sa lahat ng GSIS Members.

Ayon kay Frederick Parajas, Staff Officer III ng GSIS-Dagupan Branch na bukas ang kanilang tanggapan mula lunes hanggang sabado alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapaon para sa e-Card Enrolment and Releasing.

Ang e-Card aniya ay maituturing na GSIS membership ID Card na magagamit sa ilang gsis transactional sa ahensya, na ang hitsura ay halos kagaya ng ATM Card.

 

Samantala, regular naman isinasagawa ng GSIS ang kanilang service desk sa lungsod ng Alaminos at Urdaneta bukod pa mga nakalagay na Kiosk Machine ng GSIS sa bawat munisipalidad ng pangasinan.

Speak Your Mind

*