Pagproseso ng mga business permit, mas mapapabilis umano sa pamamagitan BPLS

Kasalukuyan ng umanong nirerebisa sa regional office ang full implementation ng Business Permitting and Licensing System o BPLS.

Ito ang inihayag ni F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-In-Charge ng BFP Dagupan , kung saan ang bpls ay sa ilalim ng Joint Memorandum Circular No. 01, Series of 2010 na nilagdaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Ayon kay Tungpalan, layun ng BPLS sa ilalim ang Admistrasyong Duterte na mapabilis ang pag-proseso ng mga business permit.

 

Kasabay nito, tiniyak naman ni Tungpalan na hindi mabibigyan ng Fire Safety Evaluation Clearance ang isang establisyemento o gusali na hindi dumaan at pumasa sa BFP inspection.

Partikular na aniya rito kung nakakasunod ang mga residential o commercial building sa fire exit


BFP Dagupan, tuloy-tuloy ang mga isinasagawang mga pagsasanay

Tuloy-tuloy ang mga isinasagawang fire drill and seminar ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan bilang paghahanda sa posibleng pagkakaroon ng sunog.

Ayon kay F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-In-Charge ng BFP Dagupan, halos buong buwan ng Marso kasabay sa selebrasyon ng fire prevention month ay tuloy-tuloy ang kanilang isinasagawang mga pagsasanay.

Maaari naman aniyang makipag-ugnayan sa himpilan ng BFP ang isang organisasyon, paaralan, hospital at kumpanya sakaling gusto nilang magkaroon ng fire drill training and seminar sa kanilang lugar.

Kasabay nito, patuloy rin ang babala ng BFP sa publiko sa mga dapat gawin upang maiwasan ang sunog gaya ng iwasan ang overloading ng mga electric wiring, at ugaliin ang pag-alisi sa saksakan ng mga appliances,

Makatutulong din aniya upang makaiwas sa panganib sakaling nararanasan na ang sunog kung nasa malaking gusali ay alamin ang lugar kung saan ang fire exit.

 

Ang tinig ni F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-In-Charge ng BFP Dagupan sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum

Speak Your Mind

*