Pagsuko ng road rage suspect na si Fredison Atienza, inaasahan ngayong araw

Inaasahan ngayong araw ng Quezon City Police District (QCPD) ang pagsuko ni Fredison Atienza na suspek sa pamamaril sa isang motorcyle rider noong weekend.

Ayon kay QCPD Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, napag-usapan ang pagsuko ni Atienza sa pakikipagpulong sa abugado nito kahapon.

Nangyari ang pulong sa abugado ng suspek nang i-turnover ang Toyota Land Cruiser nito sa pulisya.

Gayunman, sinabi ni Eleazar na patuloy pa rin ang manhunt operations kay Atienza kahit pa hinihintay ang pagsuko nito.

Si Atienza ay ikinokonsiderang armado at mapanganib.

Si Atienza ang suspek sa pagpatay sa motorcycle rider na si Anthony Mendoza noong Sabado dahil sa away-trapiko.

Speak Your Mind

*