Pagtukoy sa mga presyo ng basic and prime commodities, mas pinadali ng E-presyo

Mas madali nang malaman ang presyo ng mga pangunahing bilihin dahil sa E-Presyo Application o Online Price Monitoring System (OPMS) ng Department of Trade and Industry o DTI.

Sinabi ni Danzen Imus, Trade Industrial Development Specialist ng DTI-Pangasinan na sa E-presyo hindi lang makikita rito ang mga suggested retail prices kundi ang mga prevailing prices sa mga basic and prime commodities.

Makikita rin umano sa E-presyo kung saang establisyemento mabibili ang mas murang halaga.

Ayon pa kay Imus, maaari nang i-download ang E-presyo App sa mga android celphone.

 

Sa e-presyo, makikita ang mga detalye ng presyo ng mga produkto gaya ng kape, gatas, delata, sabon, bottle waters at marami pang iba.

Speak Your Mind

*