Pangasinan PNP, tiniyak na walang tiwaling pulis sa bubuuing anti-illegal drug group

Hindi magiging problema sa Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang pagbuo ng anti-drug task force sa bawat himpilan ng pulisya mula sa mga pulis na matitino at walang history ng corruption.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation at Information Officer ng PPPO ay dahil una nang nalinis hanay ng kapulisan sa pangasinan.

Masasabi na umanong zero ang partisipasyon ng pangasinan PNP sa iligal na aktibibad gaya ng iligal na droga.

 

Tiyak din umanong magiging epektibo ang bubuuhing anti-drug task force ng PPO dahil dadaan ito sa background check, mayroong magandang reputasyon at kridibilidad at may sapat na kaalaman sa pagpapatupad ng batas.


Pagbalik ng ilang drug personalities sa kanilang ilegal na gawain, kinumpirma ng PPO

Kinumpirma ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na may ilan silang natatanggap na report na muling bumalik ang ilang mga drug personalities sa kanilang ilegal na gawain.

Ayon kay P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation at information officer ng PPPO, marahil isa ito sa tiningnan dahilan ng pangulong duterte na ibalik sa pnp ang kampanya kontra ilegal na droga.

Ganunpaman, hindi naman na umano magiging mahirap sa pppo ang paghabol sa mga drug personalities na sangkot sa ilegal na gawain dahil una na silang nakaposisyon.

 

Nabatid na batay sa kautusan ng pangulo ay mananatiling lead agency at supervising authority ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa mga anti-drug operations ng PNP.

Speak Your Mind

*