Pansamantalang pagkakahinto ng Oplan Tokhang sa PNP, nakatulong pa

Mas nakatulong umano sa pulisya ang pansamantalang pagkakahinto ng war on drug kung saan pansamantalang pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ayon kay Ps/Supt. Ronald Lee, Acting Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ay dahil mas namonitor nila ang mga drug personalities.

Kung inaakala ng publiko ay nahinto na ang kanilang operasyon, ay nagkakamali ang ilan dahil tuloy-tuloy ang kanilang monitoring sa mga barangay sa tulong ng taumbayan.

Dahil dito, naging mas madali sa pulisya ang pagpapatupad ng Search Warrant dahil na identified na nila ang mga drug personalities na lumabas at bumalik sa pagbibenta ng iligal na droga.

 

Nabatid na bago mahinto ang unang oplan tokhang ay pumalo na sa walumpot pitong porsyento na ang na-cleared barangay sa buong Pangasinan.

Speak Your Mind

*