PCC, target na makapag-prodyus ng sariling lahi ng meurrah buffalo

Target ngayon ng Philippine Carabao Center o PCC na makapag-prodyus ng sariling meurrah buffalo na tatawaging “Philippine Meurrah Buffalo”.

Ito ang ipinahayag ni Felomino Mamuad, ang Deputy Executive Director ng Philippine Carabao Center sa panayam ng Sonshine Radio.

Aniya, sa kasalukuyan ay nasa proseso na sila ng pagdi-debelop ng nasabing sariling breed o lahi ng kalabaw sa pamamagitan ng pinagsamang semilya ng native na kalabaw at imported na kalabaw sa pamamagitan ng kanilang cross-breeding program.

Sinabi pa ni Mamuad na ang lalaking kalabaw na kanilang mapu-prodyus ay magiging kapaki-pakinabang sa bukid dahil ito ay mas malaki kumpara sa karaniwang kalabaw at may kapasidad na makapagbuhat ng tinatayang anim hanggang walong daang kaban ng palay.

Habang ang babaeng kalabaw na kanilang mapu-prodyus ay may kakayanang makapagbigay ng mas maraming gatas upang makatulong sa gobyerno na madagdagan ng dalawa hanggang tatlong porsyento ang suplay ng gatas na napu-prodyus sa bansa.


 Mga kalabaw na hindi na napapakinabangn sa bukid, may silbi pa rin

May silbi pa rin ang mga kalabaw na hindi na napapakinabangan sa bukid.

Ito ang ipinahayag ni Felomino Mamuad, ang Deputy Executive Director ng Philippine Carabao Center sa panayam ng sonshine radio.

Aniya, nagagamit sa meat production ang mga ito sa pamamagitan ng paggawa ng iba’t-ibang meat products gaya ng tapa, sausage at iba pa.

Sinabi pa ni Mamuad na sa pamamagitan ng pagpu-prodyus ng preskong karne ng kalabaw at mga processed carabao meat, makakatulong ito na mabawasan ang mga karneng iniimport ng bansa.

Speak Your Mind

*