PCG mag-iinspeksiyon sa mga beach bago ang summer season

Sisimulan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagsasagawa ng safety inspection sa lahat ng mga beach ngayong papasok na ang summer.

Ito, ayon kay PCG Spokesperson Commander Armand Balilo ay para malaman kung may signages at lifeguards sa mga beach para sa seguridad ng publiko.

Sinabi ni Balilo na dapat ay may isa man lang na lifeguard sa isang beach at dapat ding may signages kung ano ang mga bawal at hindi bawal sa mga beach.

Balak din aniya nilang magsanay ng lifeguards sa Batangas at Subic.

Speak Your Mind

*