PDRRMO, pinaghahandaan na ang isasagawang Regional DRRM Summit sa Pangasinan

Pinaghahandaan na ng Provincial Risk Reduction and Management Office o PDRMMO ang gaganaping Regional DRRM Summit sa darating na Marso a-29 taong kasalukuyan.

Sa ginanap ng Kapihan sa Ilocos, sinabi ni Avenix Arenas, Training and Information at Deputy PDRRMO Officer ng Pangasinan na inaasahan ang pagdalo rito ng NDRRMC Undersecretary Ricardo B. Jalad.

Ayon kay Arenas, dadalo rin sa Regional DRRM Summit ang MDRRMO, DSWDO, DILG at iba pa mula sa apatnaput apat ng munisilidad at apat ng siyudad sa Pangasinan.

Pangunguna naman ni OCD Region 1 Director Melchito Castro sa Regional Level ang pagdalo ng tatlong lalawigan sa rehiyon kasama ang kanilang mga DRMMO.

 

Kabilang umano sa tatalakayin sa naturang aktibidad ang National Disaster Response Plan, JICA Project, at ang Tsunami and Contingency Plan.

Speak Your Mind

*