PDRRMO, positibo na makakamit ng Pangasinan ang disaster resilient province

Positibo ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na maging disaster resilient province ang pangasinan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Ronn Dale Castillo, Officer-in-Charge ng Reseach and Planning ng PDRRMO na ito ay makakamit kung magiging “way of life” na ng mga tao ang disaster preparedness.

Sa pamamagitan aniya ng mga isinasagawang earthquake drill, naihahanda ng publiko sa posibleng pagtama ng sakuna na tiyak na makakaapekto sa buhay ng tao.

Ayon pa kay Castillo, patuloy ang isinasagawang paghahanda ng tanggapan gaya ng training, seminar, workshop at pag-up-grade sa mga rescue equipment.

 

Sa ngayon, tuloy-tuloy umano ang ginagawang data ng PDRRMO hingil sa fault line na namomonitor sa Pangasinan at oras na matapos ito ay agad nilang isasagawa ang information dissemination katuwang ang mga LGU’S.

Speak Your Mind

*