Peoples organization, may pondo para sa patatatag ng sariling nursery sa kabundukan

Patuloy na pinapalakas ang ugnayan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Peoples Organization sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay Ronnie Jacinto, Development Management Officer V (DMO V) ng PENRO-Pangasinan, ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para makapagtatag sila ng sariling nursery at planting areas sa kabundukan.

Ang mga grupong ito aniya ang siyang katuwang ng PENRO sa pangangalaga sa kapaligiran at mga kabundukan.

Sinabi pa ni Jacinto na kasama rin sa tungkulin ng grupo na alagaan ng mga itinanim na mga punong kahoy at paglalagay ng fireline upang maiwasan ang pagkasunog sa kabundukan

 

Nabatid na ang fireline ay nilinisang lugar malapit sa mga planting area na may luwang na lima hanggang sampung metro sa layuning protektahan ng mga tanin ng punong kahoy sakali mang magkaroon ng sunog.


Pagtatapon ng upos ng sigarilyo, madalas pagmulan ng sunog – PENRO

Kinumpirma ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) na ang pagtatapon ng upos ng sigarilyo ang madalas na pagmulan ng sunog o grass fire.

Sa panayam ng DZRD kay Ronnie Jacinto, Development Management Officer V (DMO V) ng PENRO-Pangasinan sinabi nito na dahil sa kawalan ng malasakit ng taumbayan ay nagre-resulta ito ng mawalakang sunog sa kabundukan.

Ito ay batay sa ginawang imbestigasyon ng CENRO-Dagupan kaugnay sa nagyaring forest fire sa bayan ng Bugallon kamakailan kung saan mahigit tatlong daang ektaryang kabundukan ang nasunog.

Dahil dito, pinaigting ng CENRO ang pagbabantay sa kabundukan katuwang ang Bantay Gubat at Forest Ranger upang ipabatid sa publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagsusunog.

 

Ang tinig ni Ronnie Jacinto, Development Management Officer V (DMO v) ng PENRO-Pangasinan.

Speak Your Mind

*