PESO Central Luzon, nakapagbigay trabaho sa may mahigit 200 libong jobseekers

Ipinahayag ng tanggapan ng Public Employment Services Offices (PESO) Central Luzon na nakapagbigay sila ng trabaho sa may 208,000 jobseekers para sa local at overseas work noong 2016.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Technical Support and Services Division for Employment and Welfare Head Alejandro Inza Cruz na base sa kanilang datos mayroong 88% na placement rate mula sa 236,500 na referred applicants ang kanilang tanggapan.

Sinabi pa nito na nahigitan pa ng kanilang tanggapan ang 80% na placement rate target ng Bureau of Local Employment dahil na rin sa proactive employment facilitation activities na ginagawa ng PESO upang mas maraming jobseekers ang makakuha ng trabaho.

Speak Your Mind

*