Philippine Army, nasa blue alert level status sa lalawigan ng Pangasinan

Nananatiling nasa blue alert level status ang Philippine Army dahil wala namang namomonitor na banta ng karahasan sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ito ang inihayag ni Capt. JR Ramos, Information Officer ng 702nd Infantry Brigade ng Camp Tito Abat na naka base sa bayan ng Manaoag sa ginananap ng KBP-Forum.

Ngunit ayon kay Ramos, asahan na umano na ililipat ito sa red alert status sa huling linggo ng buwan o sa Marso a-29 dahil sa annibersaryo ng New Peoples Army o NPA.

Ganun din aniya ay gugunitain din ang ika-120th anniversary ng Philippine Army sa Marso a-22.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang combat operation ng Phil. Army sa lalawigan upang mapigilan ang pagtatangka ng mga karahasan.

 

Ang tinig ni Capt. Jr Ramos, Information Officer ng 702nd Infantry Brigade ng Camp Tito Abat.

Speak Your Mind

*