Planong ipagpaliban ng eleksyon at pag-aapoint ng barangay opisyal, hindi madali – DILG

Hindi magiging madali ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipagpaliban ang Barangay at SK Election sa buwan ng Oktubre at mag-aapoint na lamang ng bagong uupong mga barangay opisyal.

Sa panayam ng DZRD sonshine radio, sinabi ni Vergilio Sison, DILG Director ng San Carlos City na kailangan pang gumawa ng batas ang kongreso hingil sa postponement ng elections.

Ayon pa kay Sison, hindi lamang ang nasa mahigit 42,000 na mga barangay captain sa buong bansa ang papalitan kundi ang buong Sangguniang Barangay o ang mga Barangay Kagawad.

Nabatid na sa kasalukuyang batas, kapag nabakante ang Punong Barangay o ang Sangguniang Barangay Members halimbawa kung may namatay o nag resign, ang mag-aapoint ay ang nakaupong Municipal o City Mayor.

Pero ayon kay Sison, sa plano ngayon ni Duterte ay wala pang malinaw na guidelines na dapat sundin.

 

Dagdag pa ni Sison na malaki pa ang kinakailangang bunuin ng Administrasyong Duterte lalot papalapit na ang buwan ng Oktubre kung saan itinakda ang eleksyon.

 

Ang tinig ni Vergilio Sison, DILG Director ng San Carlos City.

Speak Your Mind

*