POEA, aminadong mahirap masawata ang operasyon ng mga illegal recruiter

Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA Regional Office 1 na hindi parin nasasawata ang operasyon ng mga illegal recruiter sa rehiyon.

Ito ayon kay Romeo Jaramilla, Officer-In-Charge ng POEA Region 1 ay dahil marami parin sa mga OFW ang naniniwala sa nagsasabing mas mabilis ang pagproseso ng pag-abroad kung susunod sa sinasabi ng recruiter.

Naniniwala si Jaramilla na hindi matitigil ang gawain ng mga illegal recruiter kung marami parin sa mga OFW ang madaling maniwala sa mga pangako ng nag-re-recruit.

Madami rin umano sa mga OFW ang hindi sumusunod sa babala ng POEA na dapat mag-apply sa mga legal na recruitment agency at tingnan kung saan mayroong job order.

Sinabi pa ni Jaramilla na maikukumpara niya sa problema sa drug ang kaso ng mga illegal recruiter sa bansa kayat dapat magkaroon na ng ibang approach dito ang gobyerno.

 

Hindi naman umano tumitigil ang POEA sa pakikipagtulungan sa mga law enforcement agency at iba pang private sector upang habulin ang mga ilegal recruiter.

Speak Your Mind

*