Popcom-Dagupan, pabor sa pagpapalawig ng maternity leave ng hanggang sa 120 araw

Pabor ang Commission on Population o POPCOM-Dagupan sa pagpapalawig ng maternity leave ng hanggang sa 120 araw o apat na buwan para sa mga kababaihan.

Una nang naaprubahan ng 22 senador ang Senate Bill 1305 o Expanded Maternity Leave kasabay sa pagdiriwang ng National Women’s Month ngayong Marso.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dr. Kim Paras, Popcom Officer ng Dagupan City na marapat lamang ng bigyan ng mahabang pahinga ang ina mula sa panganganak upang mapangalagaan ang kanyang sarili at kanyang anak.

 

Bukod rito, ang mahabang maternity leave din ay magbibigay ng quality time, bonding at mabubuo rin ang closeness attachment ng ina at sanggol sa isat-isa.

Speak Your Mind

*