Populasyon ng kalabaw sa Pangasinan, umaabot na lamang sa mahigit dalawang libo

Umaabot nalang sa mahigit dalawang libong populasyon ng kalabaw meron ang lalawigan ng pangasinan ayon sa Philippine Carabao Center (PCC) na nakabase sa Rosario, La Union.

Dahil dito, mahigpit na ipinapatupad ang pagbabawal sa pagkatay ng mga babaeng kalabaw alinsunod sa Provincial Ordinance No. 170.

Apela ni Gloria Dela Cruz, Center Chief ng PCC – Region 1 na kung magkakatay man, gawin ito sa mga lalaking kalabaw at mga matatandang kalabaw.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Dela Cruz na ito rin ang dahilan kung bakit patuloy nilang isinusulong ang carabao based industry upang mapadami ang kalabaw sa lalawigan.

Nabatid sa ilalim ng Provincial Ordinance No. 170 na pirmado ni dating Governor at ngayo’y Congressman Amado T. Espino Jr., na inire-regulate din ang pagbebenta sa mga babaeng kalabaw.

Speak Your Mind

*