PPPO, tiniyak na walang nag-o-operate ng shabu laboratory sa Pangasinan

Tiniyak ang Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) na wala silang namomonitor na may nag-o-operate ng shabu laboratory sa lalawigan ng Pangasinan.

Ito ayon kay P/Supt. Jackie candelario, Deputy Provincial Director for Operation at Information Officer ng PPPO batay sa kanilang isinagawang intensified intelligence gathering.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi pa ni Candelario na patunay dito ang mga isinagawang inspection ng mga Chief of Police sa lugar na kanilang nasasakupan.

 

Partikular na aniyang sinuyod ng kapulisan ang malalaking poultry at piggery sa lalawigan

Pagtitiyak pa ni Candelario sa publiko na sakaling may nakalusot na shabu laboratory sa lalawigan ay tiyak na masisibak ang Chief of Police sa nasasakupang lugar at mismong ang Provincial Director.

 

Ang tinig ni P/Supt. Jackie Candelario, Deputy Provincial Director for Operation at Information Officer ng PPPO

Speak Your Mind

*