Presyo ng mga canned goods, tumaas sa bagong SRP na inilabas ng DTI

Muling naglabas ng SRP o suggested retail price ang Department of Trade and Industry (DTI) sa presyo ng basic and prime commodities o presyo ng mga pangunahing bilihin.

Ayon kay Danzen Imus, Trade Industrial Development Specialist ng DTI-Pangasinan, may good at bad news sa presyo ng bilihin base sa inilabas na srp nitong marso a-20.

Ito’y dahil bumaba ang ilang brand ng kape habang hindi naman mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga delata.

Sinabi pa ni Imus na ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga canned goods ay dahil sa paggalaw ng presyo ng mga raw materials.

 

Samantala, bahagya narin umanong tumaas ang presyo ng baterya sa P2 hanggang P26 dahil ang mga raw metarial na ginagamit rito ay mula pa sa ibang bansa.

Samantala, wala pa namang namomonitor ang DTI sa pagtaas ng presyo ng mga construction materials partikular na sa semento at bakal bagamat paparating na ang construction season.

Speak Your Mind

*