Programa ng PDRRMO para sa “ligtas at aktibong pamayanan, tuloy-tuloy na

Tuloy-tuloy na ang programang “Ligtas at Aktibong Pamayanan” alinsunod sa adbokasiya ng probinsya na palakasin ang Disaster Risk Reduction and Management  (DRRM) at Climate Change Adoptation (CCA).

Ayon kay Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO ay nasa ikalawang salbo na ang programa na unang isinagawa sa narsico complex na dinaluhan ng mga estudyante ng Pangasinan National High School at ang ikalawa ay sa Agno National High School.

Kabilang aniya sa aktibidad o itinuturo sa mga estudyante ang volunteerism, survival skill in swimming, at first aid and basic life support.

 

Maliban sa mga disaster risk reduction and management related topic, sinabi pa ni Solis na isinasama narin nila ang pagbibigay kaalaman sa mga estudyante ng mga isyu na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Speak Your Mind

*