Provincial government ng Tarlac, inilunsad ang kanilang 911 Emergency Hotline

Inilunsad kamakailan ng Tarlac Provincial Government ang kanilang emergency hotline katuwang ang Department of the Interior and Local Government at Philippine Long Distance Telephone Company ang kanilang 911 Emergency Hotline.

Sinabi ni Governor Susan Yap, mas madali na nilang matutugunan ang emergency needs ng kanilang mga kababayang Tarlaqueños.

Sinabi pa ng gobernadora na isang operations center para sa kanilang 911 hotline ang kasalukuyang itinatayo na tiyak na magpapabuti sa kanilang pagbibigay ng agarang pagresponde sa mga kalamidad at sakuna.

Nagpaalala naman si Yap na mariin nilang ipinagbabawal ang mga prank callers sa kanilang Emergency Hotline kung saan maaari nila itong pagmultahin.

Ang paglulunsad ng emergency hotline ng probinsya ng Tarlac ay alinsunod sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maglunsad ng sariling hotline number.

Speak Your Mind

*