Recruitment para sa bagong Fire Officer 1, sinimulan na ng BFP

Sinimulan na ng Bureau of Fire Protection o BFP ang kanilang recruitment para sa karagdang BFP personnel na tiyak na magiging tugon sa kakulangan ng mga bumbero sa Pangasinan.

Sa panayam, sinabi ni F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-In-Charge ng Dagupan City, bukas ang 130 slot para sa recruitment ng mga bagong Fire Officer 1.

Sinabi pa ni Tungpalan na ang lahat ng interesadong maging miyembro ng bombero ay maaari lamang magtungo sa kanilang Regional Office sa Sto. Tomas La Union.

Kabilang naman sa mga qualification ay dapat mayroong bachelors degree, nakapasa sa board exam o mayroon Civil Service Commission 2nd level eligibility at edad 21 hanggang 30 an­yos.

Bukod pa anya dito ang minimum height requirement para sa lalaki na 5’4” pataas at 5’2” sa babae, mentally at physically fit.


BFP-Dagupan, aminadong kulang ang kanilang puwersa

Aminado ang Bureau of fire protection o BFP-Dagupan na kulang ang kanilang puwersa batay sa ratio ng fire trucks at BFP Personnel.

Sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas o KBP Forum, sinabi ni F/Insp. Romie Tungpalan, Officer-In-Charge ng Dagupan City na sa tatlong fire truck ng Dagupan, dalawa lang dito ang nagagamit.

Dahil dito, sinabi ni Tungpalan na panahon na para sumuporta ang local government unit sa pagbili ng fire truck bilang pagtungon sa panawagan ng national governemt.

Kulang din aniya ang dalawamput dalawang personnel ng bfp-dagupan para sa dalawang shifting nito.

 

Ang tinig ni f/insp. Romie tungpalan, officer-in-charge ng dagupan city.

Speak Your Mind

*