“Safety measure”, kailangan bago paman isagawa ang planong field trip – DepEd

Nilinaw ng Department of Education o DepEd Region 1 na dapat umahin ang pagkakaroon ng “safety measure” bago paman isagawa ang planong field trip.

Ito ayon kay Darius Nieto, Project Development Officer IV ng DepEd-Region 1, ay upang maiwasan ang posibleng aksidente na kasasangkutan ng mga estudyante.

Sinabi pa ni Nieto na mahalaga rin masuri ang mga gagamiting sasakyan, kondisyon ng driver at mayroong parent consent

 

Una ng mag-iisyu ng moratorium sa mga field trips ang deped sa lahat ng mga public elementary at secondary schools hanggang June 2017 kasunod ng bus accident na ikinamatay ng labinlimang estudyante.

Ang moratorium ay tatagal ng tatlo hanggang apat na buwan para magkaroon ng pagkakataon na marebisa ang mga polisiya at mga usapin gaya ng mga matututunan ng mga estudyante, seguridad at kaligtasan ng mga idaraos na field trips.

Speak Your Mind

*