Sakit sa puso, hindi dapat ipagsawalang bahala ayon sa health experts ng R1MC

Hindi dapat ipag-walang bahala ang sakit sa puso, dahil isa ito sa nangungunang sakit at dahilan ng pagkamatay ng tao hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.

Sa panayam ng dzrd sonshine radio, sinabi ni Dr. Crispino Ibuan, Cardiologist ng Region 1 Medical Center na bukod sa cancer ang sakit sa puso ang nangungunang sakit ng tao dahil sa maling healthy lifestyle.

Bukod sa namamana, ang sakit sa puso aniya ay maaaring makuha sa paninigarilyo, malakas kumain ng taba ng baboy, at mahilig kumain ng maalat na pagkain.

Malaking factor din aniya ang pagkakaroon ng matabang pangangatawan o ang sinasabing obesity.

 

Dahil dito, ipinapayo ni Dr. Ibuan na upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso, iwasan o tigilan na ang paninigarilyo, at itigil o iwasan ang mga pagkain na mataba, pritong pagkain, pagkain sa mga fastfood at ugaliin ang pagkain ng gulay at prutas.

Malaking tulong din aniya ang regular na pag-e-ehersisyon para maiwasan hindi lang ang sakit sa puso kundi ang mga sakit gaya ng diabetes at high blood.

 

Ang tinig ni Dr. Crispino Ibuan, Cardiologist ng Region 1 Medical Center sa lungsod ng Dagupan

Speak Your Mind

*