Sandra Cam mas dapat umanong ipakulong kaysa sa bigyan ng posisyon sa gobyerno — De Lima

Tutol si Senadora Leila De Lima na mabigyan ng posisyon sa gobyerno si Sandra Cam na tinawag pa niyang ‘evil of a woman.’

Ayon sa nakakulong na senadora, imbes na bigyan ng government post si Cam ay mas marapat aniya na paimbestigahan ito.

Giit ni De Lima, dawit ang dating kaibigan sa swindling, illegal gambling at maging sa iligal na droga.

Dapat din aniyang makulong si Cam dahil sa pamimilit, pangha-harass at pamba-blackmail umano nito sa mga tumestigo laban sa kanya.

Sinabi pa ni De Lima na matapang lamang si Cam dahil suportado ito ng pangulo.

Samantala, kamakailan lamang ay nasangkot si Cam sa isang bagong kontrobersiya dahil sa paninigaw at maling asal nito sa airport.

Speak Your Mind

*