Sapat na suplay ng dugo ng Red Cross, tatagal pa hanggang katapusan ng Abril

Nakakasiguro na sa stock ng dugo ang Philippine Red Cross o PCR-Pangasinan Chapter hanggang katapusan ng buwan ng Abril.

Bunga umano ito ng sunod-sunod na isinagawang Blood Donation Drive sa buong lalawigan kung saan nakalikom ng mas maraming  suplay ng dugo.

Sa katunayan ayon kay Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter, mismong ang Red Cross na nagbibigay ng stock ng dugo sa mga hospital sa Pangasinan.

Maging sa ibang mga chapter ng Red Cross ay nakapagbibigay narin ng dugo ng PCR-Pangasinan Chapter dahil sa dami ng kanilang suplay.

 

Ganunpaman tuloy-tuloy naman umano ang mga isinasagawang Mobile Blood Donation, kasama na rito ang isasagawa ngayong araw March 17 sa Mangatarem National High school, March 18 sa Naval Detachment, March 21 sa Metro Plaza, March 22 sa PSU Bayambang at sa March 28 sa Decorp-Dagupan.


 

PRC-Pangasinan Chapter, nakiisa sa selebrasyon ng National Women Month

Kaisa rin ang Philippine Redcross o PRC-Pangasinan Chapter sa selebrasyon ng National Women Month ngayong buwan ng Marso na may temang ‘We Make Change Work for Women’.

Ito’y sa pamamagitan ng isinagawang “Responsible Parenthood and Reproductive Health Law katuwang na Department of Health (DOH) at Philippine Center for Population Development sa lungsod ng Urdaneta.

Sinabi ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter na sa naturang aktibidad ibat-ibang serbisyo ang inilaan sa mga buntis kasama na ang free natal counselling, free blood typing.

Kasama rin sa naibigay na serbisyo sa mga buntis ay ang libreng buntis kits.

 

Ang naging hakbang sa ilalim ng nasabing aktibidad ang pagtuturo ng family planning upang maiwasan ang maagang nabubuntis.

Speak Your Mind

*