Search Warrant, sinimulan na kasunod ng implementasyon ng Oplan Tokhang Reloaded

Sinimulan na ng Pangasinan Police Provincial Office (PPPO) ang kanilang malawakang police operation kasunod sa pormal na pagsisimula ng oplan tokhang reloaded.

Sa ginanap na Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas o KBP Forum inihayag ni Ps/Supt. Ronald Lee, Acting Provincial Director ng PPPO na isinagawa nilang mga police operation sa pamamagitan ng search warrant at buy bust operation.

Ayon kay Lee, anim na ang kanilang naipatupad na search warrant kung saan dalawa rito ang nagpesitibo na sangkot sa ilegal na droga.

 

Asahan naman umano ang mga susunod pang mga police operation ng PPPO kasunod sa pagbabalik ng pulisya sa kampanya kontra illigal na droga.

Speak Your Mind

*