Seguridad ng publiko na magtutungo sa Lingayen Beach Front, tiniyak ng PDRRMO

Tiniyak ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na itinataas sa blue o red alert status ang Pangasinan kung mayroong malaking aktibidad sa lingayen beach front.

Ito ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko partikular na ang mga turistang magtutungo sa baybayin ng Lingayen beach sa panahon ng Semana Santa at summer vacation.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO na nangunguna sa pagbabantay sa seguridad ng lugar ang Pangasinan Police Provincial Office o PPPO.

Kabilang din sa nakaantabay ang mga kawani ng Bureau of Fire Protection o BFP, Lingayen MDRRMO, Provincial Healht Office (PHO) at Water Search and Rescue (WASAR) Team at Provincial Security Guard.

 

Ang tinig ni Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng PDRRMO sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.


Clean-up drive ng mga empleyado ng capitolyo sa Lingayen beach, nagpapatuloy

Nagpapatuloy ang inilunsad na clean-up drive ni Pangasinan Governor Amado “Pogi” Espino sa baybayin ng Capitol Beach Front sa bayan ng Lingayen, Pangasinan.

Ito ayon kay Juvin Solis, Assistant Operation and Warning Officer ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) kung sa ginagawa ito tuwing araw ng biyernes.

Tulong-tulong aniya dito ang mga kawani ng kapitolyo kung saan hinati ang lahat ng mga empleyado sa tatlong pangkat para sa palit-palitang paglilinis.

 

Sakabilang banda, nananatili naman umanong mahigpit ang seguridad na ipinapatupad sa Lingayen Beach upang matiyak ang kaligtasan ang mga beach goers.

Speak Your Mind

*