Seguridad sa Benham Rise palalakasin ng militar

Paiigtingin ng militar ang presensiya sa Benham Rise sa Probinsiya ng Aurora matapos na mamataan doon ang survey ship ng China.

Ayon kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, dadagdagan nila ang patrol ships sa nasabing lugar at magtatayo rin ng istraktura na magsasabing bahagi ito ng teritoryo ng Pilipinas.

Nagpapasalamat naman daw si Lorenzana na nilinaw ng China na napadaan lamang nang ‘di sinasadya ang kanilang mga barko sa Benham Rise.

Bagama’t may pagdududa ay naniniwala naman daw ang kalihim sa paliwanag ng China.

Hinimok naman ni Senador Ralph Recto ang gobyerno na bumuo ng komprehensibong plano para protektahan ang Benham Rise na sinasabing mayaman sa yamang-dagat at natural gas.

Speak Your Mind

*