Selebrasyon ng 2017 National Women’s Month, nakasentro sa Magna Carta of Women

Ibat-ibang aktibidad na ang nakakasa sa pagdiriwang ng 2017 National Women’s Month ngayong buwan ng Marso.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Irene Cubangbang, Information Officer ng DSWD-Region 1 na ang tema ng selebrasyon ay “we make change work for women” sa layung ipabatid ang pagbabago at isakatuparan ang implementasyon ng Republic Act 9710 o mas kilala sa Magna Carta of Women.

Dagdag pa ni Cubangbang na kabilang sa mga aktibidad ang paggamit sa social media ng hashtag #Babae, at #Partnerforchange kung saan hinihikayat ang mga kababaihan na ilabas ang kanilang saluubin.

 

Nakatakda naman gagawin ang advocacy walk for gender and development, zumba, cheer dance compitition, parlor games at trade fair na lalahukan ng mga benepisyaryo ng sustainable livelihood program ng DSWD.

Speak Your Mind

*