Sen. Trillanes, pumalag sa mga paratang ni Duterte

Pinalagan ni Senador Antonio Trillanes IV ang paratang ni Pangulong Rodrigo Duterte na siya ay nangingikil sa mga negosyante para sa sariling interes.

Ginawa ni Duterte ang pahayag sa harap ng Filipino community sa Bangkok, Thailand.

Bukod dito, sinabi rin ng pangulo na puwede raw niyang patayin si Trillanes.

Base sa ipinadalang pahayag ni Trillanes, tinawag ng senador na sinungaling ang pangulo.

Paliwanag ni Trillanes, kung totoo umano ang paratang na ito ni Duterte ay ilabas niya ang detalye at kasuhan siya.

Speak Your Mind

*