Seguridad sa mga isinasagawang Oplan Tokhang, tiniyak ng Sta. Maria PNP

Agad na nagsagawa ng validation ang Sta. Maria PNP sa listahan ng kanilang drug personalities kasunod sa pagbabalik ng oplan tokhang reloaded.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Police Senior Inspector (PSI) Glenn Dulay, Officer-In-Charge ng Sta. Maria PNP na agad naman itong nagresulta kung saan dalawang search warrant ang kanilang hinihintay.

Base sa kanilang monitoring, patuloy na nagsasagawa ilegal drug activities ang dalawa katao na hindi na pinangalanan.

Samantala, tiniyak naman ni Dulay na hindi malalagay sa panganib ang kanilang mga isinasawang oplan tokhang kasama ang grupo ng BADAC at mga leader ng religious sector.

 

 

Samantala, umabot na umano sa walumpot anim na porsyento ang na-cleared barangay sa bayan ng Sta. Maria, o katumbas ng 20 mula sa 23 barangay habang naitala naman ang nasa 286 na drug surrenderer mula sa pinaigting na kampanya kontra ilegal na droga.

Speak Your Mind

*