Special Registration for Women, isasagawa kasabay ng International Women’s Day

Nakatakdang magsagawa ng Special Registration for Women ang Commission on Election o Comelec-Dagupan bilang pakikiisa sa selebrasyon ng 2017 National Women’s Month.

Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Comelec Officer ng Dagupan City na ang naturang hakbang ay bilang pagtugon sa Republic Act 9710 o mas kilala sa Magna Carta of Women.

Kabilang ang dagupan sa labing anim na lungsod at isang bayan sa magsasagawa ng special registration for women sa Miyerkules, Marso a-8 kasabay ng obserbasyon ng International Women’s Day.

Sinabi pa ni Oganiza na mandato ng ahensya na ang gaganaping special registration ay hindi maaaring isagawa sa loob ng opisina kayat idaraos ito sa Dagupan City Plaza na magsisimula alas otso ng umaga at matatapos hanggang alas singko ng hapon.

Kasabay nito, umapela naman si Oganiza sa mga hindi pa nagparehistro na samantalahin ang kanilang isinasagawang off-site registration sa mga barangay upang makaboto sa darating na SK at Barangay Elections sa Oktubre.

Speak Your Mind

*