Standard First Aid and Ambulance Operation Training, isinasagawa ng PRC-Pangasinan

Bahagi sa pinaigting na disaster preparedness, nagsasagawa ang Philippine Red Cross o PCR-Pangasinan Chapter ng Standard First Aid and Ambulance Operation Training.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Raymund Lim, Blood Donor Recruitment Officer ng PRC-Pangasinan Chapter na mahalaga na magkaroon ng kaalaman sa pagresponde at mga paunang lunas.

Dagdag pa ni Lim na ang Standard First Aid and Ambulance Operation Training ay hindi lang dapat ginagawa sa mga Local Government Unit kundi maging sa lahat ng mga pribadong kumpanya.

Dapat aniya ay maging requirement sa mga empleyado ang sumailalim sa basic life support.

Kasabay nito, tiniyak ng Red Cross na bukas ang kanilang tanggapan para sa lahat ng mga gusto sumailalim sa pagsasanay sa first aid.

 

Nakatakda naman isagawa ang Standard First Aid and CPR/AED at Ambulance Operation Training sa darating na Marso a-27 hanggang a-31 at Abril a-3 hanggang a-5 sa bayan ng Umingan, Pangasinan.

Speak Your Mind

*