“Sunflower maze’, maituturing nang tourist destination sa Eastern Pangasinan

Maituturing nang tourist destination sa Eastern Pangasinan ang “sunflower maze’ na isino-showcase ng Allied Agro-Tech Inc. isang private seed company.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio sinabi ni Herlo Atole, Farm Manager ng Allied Agro-Tech na isa sa layunin ng inilunsad na “agri-tourism” ay maipakita sa mga magsasaka ang kanilang mga produkto.

Kabilang na aniya rito ang isinagawang agri-trade fair kung saan nabili ang mga sariwang prudukto ng ibat-ibang uri ng gulay at mga binhing buto na maaari nang itanim.

Nilinaw naman ni Atole na hindi lahat ng binhi na kanilang ibinibenta ay naipo-produce sa Pilipinas kundi marami sa mga ito ay mula pa sa ibang bansa.

 

Sa ngayon, mabibili na umano sa lahat ng agri-supply sa buong bansa ang mga binhi ng Allied Agro-Tech.

Speak Your Mind

*