Sunog sa Pangasinan ngayong marso, bumaba ng kalahati – BFP

Bumaba ng halos kalahati ang kaso ng sunog na naitala sa lalawigan ng Pangasinan ngayong buwan ng Marso kumpara sa kaparehas na panahon noong nakaraang taon.

Ito ang inihayag ni F/Insp. Michael John Escaño, Public Information Officer ng BFP-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Batay sa pinaka-huling tala ng BFP, umaabot lamang sa tatlumpot isa ang naitatalang kaso ngayong buwan ng marso kumpara noong nakaraang taon na pumalo sa pitumpot anim na kaso ng sunog.

Patunay umano ito na epektibo ang fire prevention activity ng BFP kasama na ang kanilang isinasagawang ng fire drill sa mga paaralan at ibat-ibang establisyemento.

Sinabi naman ni Escaño na hindi parin nagku-kumpiyansya ang BFP kaya patuloy nilang paalala sa publiko na ang kaligtasan laban sa mapaminsalang sunog ay nakasalalay sa ibayong pag-iingat.

 

Ang tinig ni F/Insp. Michael John Escaño, Public Information Officer ng BFP-Pangasinan sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*