Tagaytay radar balik-operasyon na

Balik na sa normal na operasyon ang Tagaytay radar matapos itong isailalim sa maintenance work na tumagal mula Marso 6 hanggang Marso 11.

Nitong Sabado ng gabi ay inalis na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang notice to airmen (NOTMA) BO822/17 kaugnay ng shutdown ng Tagaytay radar.

Tiniyak naman ng CAAP na magiging normal na ang serbisyo ng naturang radar sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ang Tagaytay radar ay isa sa tatlong ginagamit ng CAAP sa pagbibigay-giya sa flights, partikular sa mga lalapag na eroplano sa NAIA at Clark.

Daan-daang flights ang nakansela dahil sa ginawang repair sa Tagaytay radar noong nakaraang linggo.

Speak Your Mind

*