Tax campaign ng BIR para sa taong 2017, nakalinya sa tunay na pagbabago

Nakalinya ang mga programa at adbokasiya ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa “pagbabago” alinsunod sa kampanya ng administrasyon ni Pangulong Duterte.

Sa Tax Campaign Kick Off ng ahensya, ang tema nito ay “BIR para sa tunay na pagbabago” na nakatakdang ilunsad sa darating na Marso a-dise sais taong 2017.

Sinabi ni Lee Caday, Client Support Head at Spokesperson ng BIR Region 1, na isa ilalim ng pamumuno ni BIR Commissioner Caesar Dulay may tatlong program na kakikitaan na ng pagbabago, ito ay ang collection target, tax payer satisfaction, at to re-cupture public trust.

Layun umano ng programa na kapagbigay ng mas mabilis na serbisyo, maibalik ang tiwala ng publiko at ibawasan o tuluyan ng maalis ang katiwalian sa ahensya.

 

Kabilang rin aniya rito ang serbisyong ibinibigay ng bir na mas pinagtutunan ng pansin gaya ng Electronics Filling and Payment System o ESPS, Electronics BIR Forms at pinadaling pagkuha ng Taxpayer Identification Number o TIN Number.


Nakolektang buwis ng bir region 1 para sa taong 2016, lampas sa target

Lampas pa sa tax collection target ang nakuha ng Bureau of Internal Revenue (BIR) Regional Office 1 sa taong 2016.

Ito ayon kay Lee Caday, Client Support Head at Spokesperson ng BIR Region 1, kung saan mula sa P11 billion goal, malampasan ito sa naka-kolekta nilang P11.932 billion.

Sinabi naman ni Caday na umaabot sa sampung porsyento ang itinaas sa kanilang registered tax payer habang nasa labing anim na porsyentong pagtaas ang kanilang target tax collection ngayong 2017.

Naniniwala aniya ang BIR na makukuha ang kanilang target kung maipababatid sa taumbayan at mga taxpayer kung saan napupunta ang kanilang binabayarang buwis.

 

Sinabi pa ni Caday na wala sa kanilang dyurisdeksyon ang pag-iimplementa ng project mula sa perang kanilang nakokolekta dahil ang mandato lamang ng ahensya ay mangulekta ng tamang buwis.

Speak Your Mind

*