TESDA, tuloy-tuloy ang training program sa mga drug surrenderees sa Pangasinan

Tuloy-tuloy ang ibinibigay na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa mga drug surrendirees katuwang ang Philippine National Police (PNP) at mga Local Government unit (LGU).

Ayon kay TESDA Provincial Director Engr. Manuel Wong, marami na ang nagtapos sa Community Base Training Program ng TESDA kabilang na ang mga drug surrendirees mula sa bayan Laoac, San Fabian, San Jacinto at lungsod ng Carlos.

Sa ilalim aniya ng program, personal na nagtutungo sa barangay ang mga trainor ng TESDA para magturo ng welding at transport track o transport refrigeration and air-conditioning servicing.

Bukod dito, kasama rin umano sa program ng TESDA para sa mga drug surrendirees ang pagtuturo sa mga preso sa loob ng BJMP.

 

Ang tinig ni TESDA Provincial Director Engr. Manuel Wong sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*