“The Big One”, pinaghahandaan ng PDRRMO, dalawang fault line sa Pangasinan, binabantayan

Hindi nagkukumpiyansya ang Provincial Government ng Pangasinan sa pamamagitan ng Provincial Desaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO sa kinatatakutang “The Big One”.

Ito ayon kay Ronn Dale Castillo, Officer-In-Charge ng Reseach and Planning ng PDRRMO ay dahil dalawang fault line ang kanilang binabantayan.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Castillo na wala pang teknolohiya ang makapag-sasabi kung kailan mangyayari ang lindol kayat mahigpit na binabantayan ang fault line na nasa bahagi ng Eastern Part at Western Part ng Pangasinan.

Sakali aniyang maranasan ang “The Big One” posible ring maranasan sa Pangasinan ang nasa 6-7 magnitude na lindol na kayang makasira ng maraming ari-arian.

Dahil dito, patuloy na umaapela ang PDRRMO sa publiko na maging alisto at maging handa sakaling maranasan ang naturang pagyanig

 

Ang tinig ni Ronn Dale Castillo, Officer-In-Charge ng Reseach and Planning ng PDRRMO.

Speak Your Mind

*