Training for Work Scholarship Program, inilunsad ng TESDA-Pangasinan

Naglunsad ng bagong Training for work Scholarship Program (TWSP) ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Pangasinan sa pamamagitan ng Tendering System for Scholarships.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni Engr. Manuel Wong, Tesda Provincial Director, ang tendering system ay bagong sistema sa pagbibigay ng scholarship slot sa mga Technical-Vocational Institutions (TVIS).

Sa ilalim aniya ng tendering system lahat ng TVIS ay mabibigyan ng pagkakataon na makabahagi sa scholarship slot na ipinagkakaloob ng TESDA.

 

Prayoridad naman aniya sa magiging benepisyaryo ng TWSP ay mula sa isinagawang Barangay Skills Mapping isang programa na nakatuon sa grass roots area.

Sa ngayon, hindi pa pormal na masimulan ang implementasyon ng 2017 TWSP dahil pinaplantsa pa ang ilang mga bagay.

 

Ang tinig ni Engr. Manuel Wong, TESDA Provincial Director  sa Pangasinan

 

Speak Your Mind

*