Ugnayan sa Barangay, kabilang sa Fire Safety and Awareness Campaign ng BFP

Nagpapatuloy ang Intensified Fire Safety and Awareness Campaign ng Bureau of Fire Protection o BFP-Pangasinan bahagi sa selebrasyon ng Fire Prevention Month.

Sa panayam ng DZRD Sonshine Radio, sinabi ni F/Insp. Michael John Escano, Public Information Officer ng BFP-Pangasinan na ito ay nagsimula mula Marso a-uno at magtatapos hanggang katapusan ng buwan ng Marso.

Ayon kay Escano, bahagi na sa kanilang awareness campaign ang pagsasagawa ng Fire and Earthquake Drill sa ibat-ibat paaralan at mga privates company.

Kasama na rito ang pagtuturo sa tamang gagawin sakaling magkasunog, at ang paggamit ng fire extinguisher.

 

Bukod dito, patuloy ding isinasagawa ng BFP ang kanilang “Ugnayan sa Barangay Program” kung saan nagbibigay silang ng lecture and seminars kaugnay sa first-aid, at awareness sa fire safety.

Sa ngayon umaabot na umano sa 80 hanggang 90 percent ng mga barangay sa Pangasinan ang naikot ng BFP kaugnay sa kanilang “Ugnayan sa Barangay”.

Speak Your Mind

*