Uri at kalidad ng binhi, dapat isaalang-alang para sa magandang kita ng magsasaka

Dapat umanong isaalang-alang ang uri at kalidad ng binhi upang mapanatiling ang magandang kita ng mga magsasaka.

Ayon kay Herlo Atole, Farm Manager ng Allied Agro-Tech Inc., hindi nakakatulong sa mga magsasaka kung ang kanilang itinanim na buto ay mula sa  nire-cycle na binhi dahil bumababa ang kalidad nito.

 

Sakali naman aniya na bumili ng binhi sa mga agri-supply at hindi naubos itanim, dapat itong maimbak na mabuti, ilipat sa magandang sisidlan gaya ng garapon  at ilagay sa may malamig na temperatura upang magtagal ang buhay ng buto.

Sinabi ni Atole na ang simpleng pamamaraan na ito ay bilang proteksyon ng buto sa mga fungos o amag lalo na kung ang mga buto ay nabili sa merkado.

Dagdag pa ni Atole ma mahalaga rin na malaman ng mga magsasaka ang dalawa ang uri ng buto, ang orthodox seeds at recalcitrant seeds.

 

Ang tinig ni Herlo Atole, Farm Manager ng Allied Agro-Tech Inc., sa panayam ng DZRD Sonshine Radio.

Speak Your Mind

*