US citizenship ni Yasay, muling binusisi sa confirmation hearing

Humarap muli si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Perfecto Yasay sa Commission on Appointments (CA) para sa kanyang confirmation hearing bilang kalihim.

Binusisi kay Yasay ang diumano’y kanyang pagiging US citizen.

Sa kanyang huling confirmation hearing, sinabi ni Yasay na hindi siya nag-acquire ng ligal na US citizenship.

Pero sa isang TV interview, sinabi nitong mayroon siyang American passport pero kanya itong ibinalik.

Ngayon ay nag-sorry si Yasay kung naguluhan aniya ang CA sa kanyang paliwanag sa kanyang citizenship.

Ipinunto rin ni Yasay na inamin naman niya ang pagbibigay sa kanya ng US citizenship noong 1986 pero para sa kanya ito ay ‘void.’

Ang US Immigration Law aniya ang nagpawalambisa sa kanyang US citizenship.

Isinuko na rin umano ni Yasay ang kanyang naturalization certificate samantalang na-misplace rin umano ang ibinigay na US passport noong 1986 at hindi na ito mahanap.

Sinuspindi naman ang pagdinig para sa Executive session.

Speak Your Mind

*