136 inmates sa Cebu City Jail, nagpositibo sa HIV

Nagpositibo sa Human Immunodeficiency Virus (HIV) ang sandaan at tatlumpu’t anim na preso sa Cebu City Jail.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), hindi pa nahihiwalay ang mga nagpositibong inmate sa iba pang preso.

Mino-monitor na rin umano ng BJMP kung sinu-sino sa mga preso ang may tuberculosis at psychiatric disorders.

Sa kasalukuyan, higit apatnalibong preso ang nagsisiksikan sa nasabing kulungan.

Speak Your Mind

*